Entries for February, 2006

but youre still uninvited

just in the nick of time

i was..
and yes, you really were.. :D

how do you do it.. make me feel like i do..



Counting Techniques suck. Eck.

♥♥ tomorrow's my sister's birthday...
Make her smile by greeting her!! Yaaaay! :D

from the mind of prancingpanda :: 10:23 PM :: February 4th, 2006

echo

ode to isabelle

HAPPY BIRTHDAY, BELLE!

Image hosting by Photobucket

You make my heart bloom
you occupy the half of our room
No, you are not with the beast
Im excited for your birthday feast

Now you are seventeen
your prettiest, i have ever seen
but wait, there's more
i want to open the door.... to your heart.

Listen, belle, shh, be still
do you feel what i feel?
The love, the joy and the pride
oh, my feelings cannot subside

Happy birthday, to you, wish i
wait, Belbel, dont you cry
happiness, new skirt and jeans
Love, your ate Tintin

*A written-by-a-grade-one-kid kind of poetry :D

from the mind of prancingpanda :: 12:22 AM :: February 5th, 2006

1 echoed

bitter ang bruha.

yep. its only the feeling...

been falling only for the feeling.

..

nung Sunday, we celebrated mass. Ama Namin na. hawakan-ang-kamay-ng-iyong-katabi-kahit-hindi-mo-alam-ang-pangalan-niya't-mukhang-magaspang-ang-palad-niya time. Nung magkahawak na ang kamay namin (ng aking lalaking katabi), tinitigan ko lang ito. hmm. hindi magaspang. hmm. at bigla akong nagbuntong hininga.

ang pathetic ko.

gusto ko ng kaHHWWPSSPNSPNISWDC.
(holdinghands while walking, pasway-sway pa, nagsalo sa isang straw while drinking coke.)

everyone and every place i go to just screams valentine's. "MAGBABALENTAYMS NA, TINA. WEKLAT MO. WALA KANG KA-HHWW!"
tsss.

aakap na lang ako ng puno. mas environment-friendly pa.

from the mind of prancingpanda :: 09:27 PM :: February 6th, 2006

5 echoed

walang hanggang gabi

wala nang tatalo pa sa linggong ito.
kung mayroon man, hindi ako naeexcite harapin ito.

buong araw akong nag-aral noong lunes para sa test ko sa math noong martes. sana hindi ko na lang ito ginawa dahil wala rin namang pumasok sa utak ko at nakalimutan ko lang lahat ang aking pinaghirapan noong nahawakan ko na ang tes peper. hindi rin ako natulog noong miyerkules ng gabi para lamang tapusin ang isang napakahaaaaaba at napakakapraning na sulating pormal sa english. bangag bangag tuloy ako noong huwebes.

kanina naman, waw.

sabi ni ali, magpapalabas daw ng Muro-ami sa isang classroom sa school. libre daw ito at kahit sino, pwedeng manuod. baka daw isang proyekto ng isang org sa school. dahil gusto naming pumatay ng oras, napagpasyahan naming manuod. pagpasok namin ng pintuan, lahat ng tao'y nagsitinginan sa amin. "Anong trip yan.." sabi nung kaibigan ni ervin. pag-upo namin, nalaman naming isang klase un at mayroon silang film viewing para sa subject nilang Environmental Science. WAAAAAAAAAW. isang malaking epal!!!!

at ang winner, ang nagpatalo at nagpatumba sa lahat ng kagagahan ko... nagreklamo ako sa mga kaklase ko tungkol sa sulating pormal ko sa english. biro mo naman, pagkatapos isubmit sa teacher namin ung argument namin ng tatlong beses, at pagkatapos naming gumawa ng final draft, tsaka lang niyang sasabihing may pagka malabo ang thesis statement ko. ang kyut. kaya, habang nagaalburuto ako, tinanong ni anne kung sino ang teacher namin. "Reyes. Dra Reyes." sabi ko. at paglingon ko sa aking gawing kaliwa, andun siya. si Reyes. Dra. Reyes.

ANG KYUT!!!!!

biglang namatay ang mundo ko. sinikap kong bawiin ang sandali sa pamamagitan ng pagsabi ng "pero, okey lang naman.." noong nakalagpas na siya sa amin ngunit hindi ko rin nakaya ang kapaitan ng nangyari. kaya, naglakad ako palayo.

ayoko na sanang bumalik ngunit may chemistry class pa kami.

sana hindi na magmonday. natatakot ako.

from the mind of prancingpanda :: 10:50 PM :: February 10th, 2006

echo

uy, orange jus.

Mahirap hanapin ang sariling kamalian sa isang pangyayaring ikaw mismo ang biktima. Lalong mahirap paikutin muli ang mundo sa sandaling tumigil ito sa iyo.


need to take vitamin C.

im still brushing off my need for sleep. i just cant go to school tomorrow... i just cant..

thanks to my grandmother, i wont look at mirrors anymore once the clock strikes twelve am. scary figures might greet me. halaaa... :D

why cant i just have a fever? cough and colds lang. anu to, installment? argh.

date with giulianne later, cant wait.ü

from the mind of prancingpanda :: 02:15 AM :: February 13th, 2006

echo

single awareness day

you know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams - dr. seuss


sawa na akong mapuyat dahil sa pag-aaral.ü

from the mind of prancingpanda :: 01:26 AM :: February 15th, 2006

echo

comfort in your strangeness

im having a hard time describing my feelings lately. all's in a blur. a happy kind of blur. haha. weirdo me. but i feel like im freezing up. i cant move while chills run down my spine. ever felt that kind of sensation? when you really love what youre feeling but still desperately try to seem nonchalant about everything. *sigh

i hate you for being like that.
i hate you for making me feel that way.
oh yes, i blame you.

from the mind of prancingpanda :: 07:23 PM :: February 24th, 2006

echo

kulang. sadyang kulang.

hindi mo ba alam kung anung araw ngayon?

ako rin.

pero, anung meron ngayon at hindi ako mapakali. mukhang nagbago na nga ang ihip ng hangin. malamig. nakakapangilabot.

engeng ka, tina. ikaw lang ang nakakaramdam ng pagdampi ng hanging iyan. ikaw lang ang nakakakita sa araw. tila sila'y bulag. o pipi man lang at manhid upang hindi ito sabihin at ipadama sa iyo.

masaya pag may mga naghihintay sa iyo. ngunit, nakakabato pala pag bumaliktad na ang lahat.

gusto ko nang lumipad. pero masakit magpatubo ng pakpak. tatagos muna ito sa balat at laman bago mo ito pakinabangan. ngayon, sino na ang magtatangkang magkaroon nito?

would you give up your hands to fly? thats what the birds did.

from the mind of prancingpanda :: 10:06 AM :: February 25th, 2006

4 echoed

sa kalaliman ng buwan

nasa taas ako noon ng bahay, nakikinig ng radyo, nagpapahinga. payapa. malamig pa noon ang simoy ng hangin kaya't sarap na sarap ako sa aking pagkakahiga. nang may narinig akong kaguluhan sa ibaba. dahan dahan akong lumabas, at nakiusyoso sa mga nangyayari....

belle: ate, may ahas.

HUWAAAAAAAAH!!

ahas! as in isnek. ssssssss. isnek nga!!!

biglang dumating ang tatlong trabahador ni tatay, may dalang mga patpat at sako. hahaha! nakakatawa!! :D


Image hosting by TinyPic



Image hosting by TinyPic


nakakatakot na tuloy maglakad sa bahay...

from the mind of prancingpanda :: 09:29 PM :: February 28th, 2006

3 echoed

« 2006/01 | 2006/03 »



----------------------[?]---------------------









^home ^peechurs ^about tina ^friends^friends of ^past entries













wish wish

-ang unang baboy sa langit na libro
-braces graduation
-a pretty jacket
-nice slippers
-brown and pink wallet from humor post
-digital camera (broke ours kase haha)
-steadler fineliner..lahat ng kulay half of it pero super oks lang. ♥
-Hershey's dark chocolate bar
-mag ice skating sa megamall
-help, in any way, african childrenjoin ONE!
-be kissed by 4,000,000 children ...still counting..�¼
-join a theater org .. TA!! ♥

mababaw na kaligayahan


Please do visit
you need not have money.. just the willingness to help and make a change. baw.



im still missing

Image and video hosting by TinyPic
bffyf