Entries for June, 2005

hail, Ateneo hail

yep, since last week, tuesday, nagaAteneo na ako... takbo dun, takbo diyan. nilibot namin ang campus ng patakbo. made new friends. :D una kong college friend ay si anne. :D sa una, kala ko, snob siya.. pero after a while, ang mga pinaguusapan na namin ay ang paborito naming episode ng maalaala mo kaya, ang pinakakilig na movie ni rico at claudine, seiko-seiko wallet, at ang lyrics ng theme song ng G-mik. pareho pa kami ng school bag at parehong mababaw ang kaligayahan. :D aliw... :D

at ung sinulat niya sa papel ko nung pinapasa ito sa iba't ibang tao, "Bestfriend Material" aw. :D tawag niya sakin pusa, tawag ko sa kanya, kuting. :D

ngayong college, lagi na rin kaming magkasama ni nikki. :D that proves na kahit may new set of friends ka na, it doesnt mean you have to forget your "old" friends. :D

tuwing umaga, sabay kami ni kuya pumuntang school. siya ung nagddrive eh. as each day goes by, we talk a little more... laugh a little longer and bond a little deeper. yes, he's still distant and snobbish most of the time but whenever we're in the car going to school or at the ateneo even, everything changes.. he smiles more and waves at me, as if acknowledging im his little sister.

college is really working out for me. :D

my block. hanapin mo kooo...

from the mind of prancingpanda :: 03:48 PM :: June 15th, 2005

10 echoed

sana itinulak ko na lamang ang pinto

kumain akong kfc kahapon.

pumunta akong banyo upang magpalit sa aking PE uniform.

hindi okupado ang kubikel kaya't hinila ko ito upang mabuksan.

nang biglang.....



"aah!! may tao po dito!!!"

nakaupo siya at nakatungo pa... ung tipong malapit na ang noo niya sa kanyang tuhod.. at.... nakita ko.... ang kanyang.. PUWETTTT!!!!!

namatay ako sa hiya dahil sa nagawa ko at natunaw naman ako sa dismaya dahil sa nakita ko.

puwet!!!

from the mind of prancingpanda :: 07:46 PM :: June 22nd, 2005

4 echoed

hinga ng malalim..

bago pa magsimula ang taon ko sa ateneo, kelangan daw namin magpasa ng X-ray results kasama ng medical form namin. sinabi ng aking ina na hindi naman kailangan ito dahil hindi naman ito ginawa sa aking kuya. biglang noong malapit na ang enrollment, nabalitaan kong required ang ganoon... kaya't, nagmadali kami sa doctor, nagimbento ng sakit, umakting na may nararamdaman, at magmukhang nakakaawa upang mapayagang magXray.

lumabas ang resulta... may pneumonitis ako.. sabi, kelangang magXray muli ngunit ibang anggulo naman.

lumabas ang resulta... may nodular density sa right apex thing ko... sabi, kelangang magCT scan.

hindi naman ako nag CT scan ngunit skinintest ako... kung walang epekto, kelangang magpaCTscan upang malaman kung ano ang tunay kong sakit.. kung nag rash at bumukol, TB na.

nagrash.
bumukol.
TB na nga.

ngayon, iba ang kutsara't tinidor ko sa mesa. iba na rin ang basong aking iniinuman at ang plato ko'y iba ang disenyo.

mas napapansin ko na rin ang kahirapan ko sa paghinga at ang minsang pagsikip ng dibdib.

bakit ako frail? bakit lagi ko na lang ginagamit ang Fortune Care Medical Insurance card ko? bakit suki na ako ng ospital at memorize ko na rin ang pasikotsikot dito?

tae.

guess, ang pwede ko na lang gawin ngayon ay ngumiti. tumawa. humalakhak at kamutin ang tiyan habang ginagawa ito. doon lang naman ako nagiging healthy eh. doon ako sumisigla. pagtumatawa ako, pakiramdam ko, mamasel at macho ako.

sana, makaya ko.
sana, hindi maubos ang insurance ko.
sana, lahat ng tao, samahan ako sa pagtawa.

the world is a vampire

from the mind of prancingpanda :: 07:48 PM :: June 28th, 2005

14 echoed

« 2005/05 | 2005/07 »



----------------------[?]---------------------









^home ^peechurs ^about tina ^friends^friends of ^past entries













wish wish

-ang unang baboy sa langit na libro
-braces graduation
-a pretty jacket
-nice slippers
-brown and pink wallet from humor post
-digital camera (broke ours kase haha)
-steadler fineliner..lahat ng kulay half of it pero super oks lang. ♥
-Hershey's dark chocolate bar
-mag ice skating sa megamall
-help, in any way, african childrenjoin ONE!
-be kissed by 4,000,000 children ...still counting..�¼
-join a theater org .. TA!! ♥

mababaw na kaligayahan


Please do visit
you need not have money.. just the willingness to help and make a change. baw.



im still missing

Image and video hosting by TinyPic
bffyf