i'll be graduating on April two.
kanina, may nagtanong sakin kung magpapaayos daw ba ako ng buhok sa parlor. sabi ko kay Renee Salud. (syempre, jox lang ito.) kitang nananabik sila.
kanina, pinagusapan namin ang kolehiyo. kung paano dun, kung ano ang magandang kurso sa aling eskwelahan. parang hindi na makahintay na makamartsa at makalabas ng assumption. kitang nananabik na nga sila.
kanina, may nagtext sakin. tinatanung kung kelan ung grad ko. nung sinabi ko kung kelan, sabi niya "uuuy, excited." sabi ko lang, nye.
kanina, tinanung ako ng tatay ko kung anung oras ang seremonyas. sabi ko 4:30 at tumahimik siya upang mag-isip. tinignan niya akong muli at sinabing mayroon siyang meeting. dakilang meeting na kailangang puntahan. dakilang meeting na masmahalaga kaysa sa graduation ng anak niya. male-late daw siya.
kanina, pagkatapos sabihin sa akin un ng aking tatay, dinagdagan niya pa ito nang sabihin niyang aalis agad ang nanay. baket? birthday ni kuya at may party dito sa bahay. dakilang party na para sa kanilang panganay na anak. dakilang party na masmahalaga kaysa sa graduation ng anak niya. aalis daw siya ng maaga.
kanina, pinayagan na ni tatay na pumunta si belle, aking bunsong kapatid sa isang party. batch party. pagkatapos iyon ng aking graduation.
kaya ganito na ang schedule ko sa grad:
*makikita ko na nasa mga upuan si nanay at si belle. wala si tatay. wala si kuya.
*sa kalagitnaan ng seremonyas, dadating si tatay, aalis si nanay mananatili si belle. wala pa rin si kuya. wala na rin si nanay.
*pag-uwi ko, aalis si belle, may inaasikasong party si nanay at si tatay ay matutulog. ako? makikisalo na lang sa party ng kuyang may dakilang party. (ako na rin siguro ang maglalabas ng dagdag na ulam, dagdag na plato, magiimis ng kalat, bibili ng yelo sa tindahan, maghahanap ng baterya para sa remote, atbp.)
nakisalo.
ako'y makikisalo lamang.
ngayon, tsaka mo itanong kung excited akong mag graduation.
guess i'll be celebrating it silently... just by myself, lamenting on my diploma.
**
sasabihing.. atleast hahabol ang tatay ko.
atleast nakasilip ung nanay ko.
atleast may party akong pupuntahan pagkatapos.
atleast nakamartsa.
..
honestly, i'm just tired of living through "atleast-s"
from the mind of prancingpanda :: 12:17 AM :: March 29th, 2005