Entries for January, 2005

spark of magic



tina with tatay


Love at first sight.

from the mind of prancingpanda :: 07:04 PM :: January 2nd, 2005

7 echoed

i passed DLSU. :D



nice. kase dito lang ung nilgyan ko na course na talagang gusto ko eh. :D hindi kase alam ni ama na nagapply ako. so, un. :D

from the mind of prancingpanda :: 06:38 PM :: January 3rd, 2005

17 echoed

goodbye my lowly life

i got a text message from pakes awhile ago..

pakes: jynx (nickname ko para sa kanya..), bathan ka ba?
tina: oo, baket?
pakes: you passed teneo pare.ü

AAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
aliw!! :D

star for me!

from the mind of prancingpanda :: 07:15 PM :: January 8th, 2005

13 echoed

mano po

went to the hospital to visit my grandpah. may sakit kase siya. sakit na hindi namin matukoy kung ano.
kumalat na daw sa buong katawan niya ang sakit. kahit hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari, sapat na saking makita ang mukha ng aking lolo upang malamang nahihirapan na siya.

dati, nung bata pa ako, lagi siyang nagmamagic. magpapakuha siya ng maliliit na piraso ng papel at sa isang iglap, *poof*, wala na. bilang batang uto-uto, lalaki ang aming mga mata sa pagkabigla. hahanapin sa bawat sulok ng kanyang katawan ang papel. ngunit wala. magaling magtago si lolo.. un pala, sa kili-kili niya iyon itinatago.. isang lugar kung saan ni minsa'y hindi namin tinatangkang tignan. minagic niya rin ung troll ko dati pero nabuko ko siya dahil may nakasilip na neon green na buhok sa kanyang kili-kili.

dati, sinasamahan niya kaming pumunta sa taal lake. oo. dun sa may taal volcano. malapit lang kase ang bahay namin dun. matarik at maputik ang daan. hindi namin kayang pumunta sa lawa hangga't hindi kasama si lolo. ngunit, sabay ng aming paglaki ang pagkahina ng kanyang tuhod. hindi na niya kayang samahan kami at kaya na rin naming mag-isa.

dati, lagi niya kaming kinukulit. nagpapatawa. nagbabato ng mga korni na joke. pilit kaming ngumingiti... para lamang hindi siya mapahiya.

ngayon, lumaki na kami. kumulubot lalo ang kanyang mukha. matigas pa rin ang kanyang ulo't mukha pa rin siyang koala.

ngunit, hindi na siya makaupo ng tuwid. kinakagat niya ang kanyang labi sa tuwing babangon sa kama. masakit kase ang katawan at kasu-kasuhan. kung kaya lang mawala ang sakit. kung kaya pa niyang tumawa muli.

'lo, magmagic ka ulit.. maniniwala ako..

from the mind of prancingpanda :: 02:40 AM :: January 10th, 2005

2 echoed

cram brulee

*sorry for the gasgas line
"ako ako lagi na lang ako..."

... dahil ako din ang naglalagay sa sarili ko para maging laging ako.

labo. pero may sense sa akin.

cram galore ako ngayon. dalawang linggo na akong tatlong oras lang ang tulog. spoiled na ang dating ko pag nakaapat. normal lang ang wala.

hindi sa dahil marami akong proyekto... ito ay dahil sa ngayon ko lang sila ginawa samantalang ibinigay na sila nung nakaraan taon pa.

kung kailan pa naman ako tinamad mag-aral, tsaka dadami ang kailangang gawin.

engot.tina.engot.tina.

sana masalba ko pa ang sarili ko sa ganitong kalagayan. sana.



---------

we know the problem na... lolo has cancer..of the stomach.. stage 4. dont wanna describe further. baka maiyak.

from the mind of prancingpanda :: 07:57 PM :: January 12th, 2005

3 echoed

alas dos.

my lolo tambo passed away awhile ago.

it was two o'clock when he left..

at two o'clock, i was in the chapel of our school.. (seriously)
i was actually praying for his recovery..
and for my family to accept whatever happens to him..

to lolo, the angels will certainly enjoy your presence. make them happy through your magic stunts and your embrace... just like how you made us feel..

from the mind of prancingpanda :: 07:43 PM :: January 14th, 2005

15 echoed

i passed ust din!

*masigabong palakpakan ng hinlalaki

com arts. :D hindi ako pumasa ng secong choice dahil nursing ito. nangarap lang ang pwet ko. :D

sobrang bangag ko buong araw dahil wala na naman akong tulong. as in literal na wala. kaya, heaven ang pakiramdam sa gaan. (... what the?!) hahaha!!! see!? im still crazy noooww.... maybe this'll go on till forever... tralalalaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.
i hope so i hope so i hope so. :D

hanlamig naman. tumatagos ang lamig sa kumot. tumatagos ang lamig sa balat at umaabot sa nauuhaw na kaluluwa.

from the mind of prancingpanda :: 07:55 PM :: January 17th, 2005

8 echoed

i do believe in forever

"hala.. sana makayanan mo ang college sa pagkacram mong yan.."
-jenny

salamat. gandang encouragement nyan chong.
i lived through highschool by cramming.
kaya kaya ng college un?

bagong buhay bagong buhay bagong buhay bagong buhay..

hindi ko alam. hindi ko na alam.

my life's ironies
- mahiyain ako (kung kilala mo ako, irony ito)
- i actually have the brains but i dont use 'em for some reason
- i eat too much but i dont gain weight in any way
- i love acting but i dont know how to do drama
- i wasn't the happiest child but still, i wanna go back to being one
- i have a "semi-sad" life but am a very happy person

minsan, naaawa na lang ako sa sarili ko. but then, i just turn everything upside down.. trying to smile even if life pushes me hard. i tend to comfort people whenever they're sad and stuff. i am their shoulder. i heal them or atleast i try to. i keep them company until the pain goes away. but how can i be my own savior? how can i heal myself without falling from grace?

what's up with these hard trials, huh? whats with God making my life a comedy with me as its punchline? how can i belive in rainbows and candy clouds if im always surrounded with scary pumpkin heads with glowing eyes? (labo.) how can i believe in myself when everyone's pushing me down? how can i see the light if the light, for me, is dim anyway?!

*sigh

sometimes, i just have to believe.

i need to believe in rainbows for me to hope for a golden pot in the end.

i need to believe in myself for me to move forward and not towards the ground.

i need to believe in the light fo rme to follow it.

i have to believe that im not just a punchline to the biggest joke there is.

i need to. my life and sanity depends on it.

Way away away from here I'll be
Way away away so you can see
How it feels to be alone and not believe Feels to be alone and not believe anything

from the mind of prancingpanda :: 10:25 PM :: January 22nd, 2005

17 echoed

banghay

hindi ko na nalalagay dito ang mga makabuluhang nangyayari sa buhay ko.. ..kase, wala.

hahahahhahaahahaha!! :D

exams.
dance prod practice.
birthday *hindi ako.
94 sa calculus.
nabibinbin na visual plan ko sa admin.
auditioned for west side story musical (school).
kain baboy sa eskwelahan.
cramcramcramCRAP.

except birthday pala.
wahuu. :D





from the mind of prancingpanda :: 01:19 PM :: January 26th, 2005

8 echoed

jump higher than the rain and fall faster than the sun

finally... tapos na ang mga exams.

Let's do away with math!


masaya ang buhay ko. hindi dahil masaya ito per se.. pinapasaya ko lang. pilit na pinapasaya kahit sa tingin ng ibang tao'y isang ordinaryong buhay lang ito.

who wants to be ordinary in this sick crazy world?!


tulad ng aritmetik. crazy siya. gago lang ako't tinatawanan ko lang ang mga numero. feeling ko, sa sariling mundo nila, sa mundo ng mga numero kung saa'y nakatira si Pythagoreas, tinatawanan lang rin nila ako. tawanan lang kami. kaya siguro mukhang kinabag si number eight... tsenen! korni!

pinapasaya ko na lang ang buhay ko. masaya kasama kapatid ko kung nasa mood siya. masayang humiga sa aspalto, sa daan sa tuwing walang nakatingin. masayang lumabas ng bahay, sa panahon ng eksamin at mag-aral hanggang dapuan ng kabangagan. masaya ang makausap ang not pagkatapos ng pag-aaral at madagdagan pa ang kabangagan.

ganon umiikot ang buhay ko.

aral.labas.kabangagan.kain.kalabuan.

at natatapos ang bawat araw sa boses ni not.

at tumitino na ang lahat.

...

sabi ng tatay ko, masyado daw marami ang pinapasukan kong mga aktibidades. sa club namen, sa eskool government, sa pagarte, pagsayaw atbp. hindi daw ako si superman. hindi ko kayang pagsabay sabay lahat. dati, ala-captain barbel ako sa pagbalanse ng lahat. ngayon ko nararamdamang mukha ngang tama na siya.

hindi na maganda mga grado ko. (dahil sa aking pagabsent ng maraming araw. absent=not really recommended. dahil kulelat ang mga nagaabsent. or hindi ko lang talaga namamaster ang art na iyon. feeling ko ung pangalawa.) hindi ko na nasisilayan ang liwanag ng telebisyon. hindi na kaaya-aya ang kapayatan ko. eeww. hindi na healthy ang mata ko dahil nagbabag na sila. korni. ewan. andaming hindi.

hindi organisado ang entry na to. dahil iyon sa hindi maayos na pagkakayari ng aking sistema sa araw na ito.




from the mind of prancingpanda :: 10:00 PM :: January 27th, 2005

12 echoed

pocha. dang im reaally tired na.. kung nakakapagsalita lang ung masels ko, minura na nila ako.

overnight
wala kaming pasok ng friday. for everyone in my batch, this is like rain on a very dry soil. malimit lang kase eh. kaya pag dumating, ariba agad. ako? nasa eskwelahan pa rin.. nakikipagovernight.

i am part of this club which serves the priest during the mass. yep. i.am.a."sacristan". ayun. so, ung theme namin ay (duhh) service. i arranged everyting for the club since ako ung head. turned out to be great naman. very fruitful.

nung gabi, we had this talk given to us by some of our teachers. they told us how low their salaries were and how they can only support themselves from that money. pero dun lang ako naging desidido. magtititser ako.

i cried during the talk. hindi ko lang pinakita sa lahat. nalaman ko na kase ang gusto kong gawin sa buhay.


sunshine's debut
nakauwi na ako ng lunchtime from school. sobrang wasted na ako nun dahil sa pagod. ngunit, isang malaking NGUNIT, may debut pa akong pupuntahan sa hapon. *cue superman theme*

kaya nung pumunta ako, sobrang hinihikab pa ako! kahiyaaaaa.. bangag pa ang ichura (huh? lagi naman eh. hahaahaha!) pero naka iskart at nakaisleebless. bawal na akong magsuot ng ganun dahil isa akong malikot na tao.

nagsasaya na ako nang nilapitan ako para sabihin sa aking ako ang emcee. *cue jackson's thriller night*

on the spot ang pucha!! oks lang para ke sunchine naman eh.

i now curse grammar because i suck at it.

Tina: now, let us ask sunshine to....uhm.. message from sunshine!!

Tina: Mr. Bonoan will now dance with her daughter while.. uh.. Mr. Ian Bautista will sing the..uh.. tune.

and a whole lot more.

i learned many things yesterday.
that i am a teacher at heart.
that i truly admire my friends.
and that anxiety+english+tina = math error.


from the mind of prancingpanda :: 07:03 AM :: January 30th, 2005

2 echoed

« 2004/12 | 2005/02 »



----------------------[?]---------------------









^home ^peechurs ^about tina ^friends^friends of ^past entries













wish wish

-ang unang baboy sa langit na libro
-braces graduation
-a pretty jacket
-nice slippers
-brown and pink wallet from humor post
-digital camera (broke ours kase haha)
-steadler fineliner..lahat ng kulay half of it pero super oks lang. ♥
-Hershey's dark chocolate bar
-mag ice skating sa megamall
-help, in any way, african childrenjoin ONE!
-be kissed by 4,000,000 children ...still counting..�¼
-join a theater org .. TA!! ♥

mababaw na kaligayahan


Please do visit
you need not have money.. just the willingness to help and make a change. baw.



im still missing

Image and video hosting by TinyPic
bffyf