dati, maraming nakapalibot sa aking nagbibigay sa akin ng tuwa. marami sa kanila'y nakikitawa sa akin.. nakikigawa ng gulo at kagaguhan. ngunit kakaunti lamang sa kanila ang naituring ko na kaibigan.
dati, hindi ako kampante sa mga tao sa paligid ko. binibilang ko pa nga ang mga iiyak pag namatay ako eh. kakaunti lamang sila. hindi ko nakita ang kahalagahan ng mga kagaguhang iyon.. ung mga katatawanan at mga pakikidamay.
buti na lang, nagising ako. nayanig ang aking mundo at nagkabali-baliktad ang sikmura.
tenen! mga priends pry.
noong isang araw, kumain ako ng spaghetti kasama ang anim na katao... nasa loob kami ng cubicle ng banyo. hindi na bale ang ambience, hindi na bale ang kasikipan. nandoon kami upang magsaya at sabay-sabay na maging sakim.
iyon ang tunay na pagkakaibigan.
noong isang araw, nagkaroon ng problema sa buhay pagibig ang aming kaibigan. pinagalitan namin siya. pinakita ang kanyang mga kamalian. pagkatapos ay dinamayan. nakiiyak at nagpunasan ng mga luha.
iyon ang tunay na pagkakaibigan.
dati, naglunuran kami sa pool ng kabarkada ko. ngunit noong may nalulunod na talaga, sinalba na rin namin ang isa't isa.
iyon ang tunay na pagkakaibigan.
tuwing nasa mall kami, tinataguan namin ang isa't isa at tinatakbuhan. ngunit, pag nakita kami nung tinataguan namin, kami'y tatakbo pabalik at yayakapin siya.
iyon ang tunay na pagkakaibigan.
lahat ng mga walang katuturan na gawain at salita'y naiintindihan. lahat ng mga kamalia'y pinupuna't sinisikap na baguhin.. ng magkakasama. buti na lang may priends pry.
from the mind of prancingpanda :: 04:20 PM :: September 5th, 2004
ibong di makalipad.
ostrich.
hindi nakakalipad ang mga ibong ostrich. maliit ang kanilang mga pakpak at malalaki at mamasel ang kanilang mga katawan. ginugugol nila ang kanilng panahon sa pagaaligid sa lupa at sa pakikibanding sa mga kapwa ostrich.
ano kaya ang kanilang nararamdaman sa tuwing sila'y titingala't makakakita ng mga agila? mga agilang malayo ang nararating dahil sa mga matitibay na pakpak. hindi ba nila sinumpa ang lupa? ang kanilang pakpak? ang kanilang mga sarili?
ano kaya ang naiisip ng mga ostrich sa tuwing gagalawin nila ang kanilang mga mahihinang pakpak? hindi kaya sila mataranta at magtaka kung bakit malawak ang sakop ng pakpak ng pelikan sa tuwing iniistretch nila ito at ang kanila nama'y hanggang doon lamang ang kaya?
bat ganon? pare pareho din naman silang mga ibon. pare parehong may balahibo... may pakpak.
buti na lang bumawi si Lord sa legs.
hindi nga sila makalipad ng malayo ngunit nakakatakbo sila ng mabilis. hindi nga nila maistretch ang kanilang mga pakpak ngunit malaki ang mahahakbang ng kanilang mga paa.
magaling bumawi si Lord.
sana lang, alam ni ostrich na mapalad siya.
... buti na lang hindi rin sila rational. kundi, komplikado na ang mundo.
from the mind of prancingpanda :: 10:10 PM :: September 6th, 2004
spot the difference
from the mind of prancingpanda :: 06:52 AM :: September 11th, 2004
confusion
dang.. went out to celebrate mass awhile ago. and the priest said,
"hindi pantay ang pagmamahal ng Diyos sa mga tao."
whaaaa..?!
then, he said that there are two kinds of Christians and that we should reflect & choose whether we are the Chrsitan who:
a) is very religious and prays constantly but at the same time, is having grudges among other christians who aren't "like us"
or
b) is a happy-go-lucky person who doesn't care about our faith until something tragic happens in our lives. that's the time when we would approach God and ask for help.
hmmm... whaaaaaaaaa..?!?! how can i choose between the two options, mhen?!
and if ever im not in either category, what kind of Christian am i then?! dang.. weird.
engeng lang ba talaga ko't hindi ko siya na-get o hindi talaga ka-getget ung sinabi niya?
kownpyusyon.. kownpyusyon...
then, he ends the mass saying,
"now, let's all remember that God loves everyone equally."
he just contradicted what he said awhile agooowww...
weird.
___________________
|//\\//\\//\\//\\//\\//\\ |
ang bakya kong nabili ko sa chocolate ay pumanaw na.. naglalakad ako pabalik sa upuan ko mula sa pagtanggap ng communion nang, pak!! putol!! haha! katawa! i was actually thinking of ways on how to walk after the mass..
inipit nalang namin ng seestar ko ng panali sa buhok ung sandalyas ko.
*mcguyver theme song*
haha! gumana siya! mukha nga lang akong tangang maglakad pero, gumana siya!
karma ba yun sa pag-iisip taliwas sa sinasabi nung pari?
hmm.
from the mind of prancingpanda :: 10:39 PM :: September 12th, 2004
isaang daaaang porsyentow!!!
ngayon, nakikita ko na ang sarili kong nanghihina. unti-unti nang kunukupas ang ngiti sa aking mukha. bumabalik nalang ito sa tuwing ika'y naiisip at pag pumapatak na ang alas diyes ng gabi. hindi na kase kita nakakasama. kelangan ko ng powers mo.
let's save the world from cavities!
from the mind of prancingpanda :: 05:48 PM :: September 13th, 2004
porque?
blanko na naman utak ko.
tulog na naman siya at ayaw magpagising.
leche.
tweeerrng. @@$#$(@*
from the mind of prancingpanda :: 09:18 PM :: September 15th, 2004
daddy-ow
inaakit ako ngayon ng libro. ngunit, hindi... i resist its seduction. bukas ang aking acet at heto ako ngayon, nagpapakabuhay baboy parin.. kain.. tulog.. net... radyo. yeh!
pumunta ako kagabi sa eastwood. tinanong ba naman sakin ni nikki kung pers taym kong pumunta dun!! huwwaa..?! laaabo. so un, paaaarrtey! haha! *kikay voice* dreaheem ohwn! kumain lang kami at nag piktyuran. belated birthday kase ng klasmeyt ko kaya't kagabi nalang namin sinelebrate. yeh!
tas kagabi, umuwi ang tatay ko ng haffy. tas hiniram ko ung phone niya at kinalikot. tas bigla niyang kinuha at may ipapakita daw siya saken. laki ng ngiti niya! haha! pagkatapos ng pindot pindot, biglang tumunog ang telepono niya.. nagplay siya ng mp3 ni..... EMINEM! hahahhahaha!! shiyet!! katawa!! sumayaw tatay ko, still with that smile on his face. ung belat-wala-kang-ganitong-telepono-kase-ung-sayo-hindi-high-tech-tulad-ng-aken na ngite. hahaaha!! tas ung isfelling pa ng mp3 niya sa phone eh: EMINEN. haha! cute. tas ung ring back niya.... RAINBOW ng southborder. haha! aliw. cute ng tatay ko.ü marami pang kaaliwan tatay ko eh..
*meron kase kaming garfield na comic book.. parang compilation ekek. binabasa niya un tas bigla siyang tumawa ng malakas at sinabing... "eto talagang si garfield o!"
*may practice kase ako sa dance tas nung kumakain kami ng breakfast ng tatay ko bago ako umalis, bigla kong natandaang potluck pala dapat ung pupuntahan ko! eh walang pagkain sa bahay kaya ang pinadala nalang sakin ni tatay dear ay...... isang lata ng corned beef.
*may nagregalo sa sister ko ng louis vuitton na belt na may buckle na nakasulat ay "LV". sinuot ito ng tatay ko at natipuhan. ganda daw. hiningi niya ito sa kapatid ko. (Lorentti Velasco pangalan niya.) baduy!
*ang mga ringtone niya dati sa luma niyang phone ay bikinig itim, spaghetti at sexbomb.
*nung bata ako, lagi niya kaming pinapahalik sa kili kili niya. pero ang nangyayari, nasusubsob lang ang pagmumukha namin dun. buti buhay pa kami't hindi namatay sa fumes.
kaya sa tuwing magkekwento ako sa mga kaibigan ko tungkol sa aking ama, hindi na sila nagtataka kung bakit ako ganito.
from the mind of prancingpanda :: 11:33 AM :: September 18th, 2004
exam day. fart exams!
its achet day today.
dati, i was so carefree. i did my best everytime and was always looking at the brighter side of life. then.. nagiba ang takbo ng buhay. nagiba ako. biglaan, nasanay ako sa pagiging pessimistic about stuff. ayaw kong umasa. ayaw ko dahil alam kong sa huli'y sakit lamang ang mararamdaman ko. parang, mas ok ung masurprise na lang at natupad ung gusto ko sanang mangyari kesa sa maghintay sa wala. i was scared of placing myself on difficult situations and putting my heart at risk. baka kase mamaya, hindi na ko makawala.
ngunit, maraming pagsisisi ang dumadapo sa akin.. mga "what if..?" at "anu kayang nangyari kung..?"
sometimes i think i dont trust myself that much. i let my doubts get the best of me. everytime i look upon myself, i see someone who is contented with mediocre work.. who is afraid of failing after all effort was exerted. dang. im worse than i thought.
but now, im breaking my barrier.
ayoko nang magkunwaring naghihintay ng surprise. parang nangalahati na lang ang essence ng surprise kung walang effort. kelangan ko ulit madapa para matuto. i would always talk about getting the greatest reward whenever you offered your time, effort and yourself whole heartedly. but then, im not the one being able to experience it. kaya ngayon, ima gonna fight. ima gonna see where faith and trust in myself would take me... pababa man o pataas, bahala na. basta alam ko, kakayanin ko.
watch out ateneo...
from the mind of prancingpanda :: 08:30 AM :: September 19th, 2004
excerpt.
'Sacrifice! What do I sacrifce? Famine for food, expectation for content. To be priviledged to put my arms round what i value - to press my lips to what i love - to repose on what i trust: is that to make a sacrifice? If so, then certainly i delight in sacrifice.'
-- charlotte bronte's jane eyre
from the mind of prancingpanda :: 10:15 PM :: September 20th, 2004
phone pal
nung isang araw, nung pumunta akong eastwood kasama prengs ko, pinakausap sakin sa cell phone ung classmate ko na hindi nakapunta. sabi nung mga kasama ko, kunwari daw, ako ung kalove-team niya at lokohin daw namin siya...
tina: o, labidabs?
classmate: uh... hello?
tina: o, labidabs.. ok ka na ba? may sakit ka pa?
classmate: uhm... sino to?!
tina: tsk.. labidabs naman... nagpahinga ka na ba?
classmate: sino nga toh? bat boses bakla?!?!
fuck.
from the mind of prancingpanda :: 07:30 PM :: September 22nd, 2004
batuta.
habang nagpPE kanina, may batang lumapit sa mga poste ng net namin at nanuod. pangalan niya'y raphael at green ang shorts niya. galing siya school pero mukhang plantsadong planstado parin ang damit, buhok at mukha niya. nanliit naman ako't sa araw araw ko sa school, recess pa lang, gusot na ang damit ko pati narin ang buhok at mukha. kinausap ko si little raffy (close na kami) at tinanong ko kung maganda ba ako. umupo pa ako nun sa sahig para eye level kami at tinanong kung maganda ba si 'ate tina'.
raffy : NO!
hindi ba talaga marunong magsinungaling ang mga bata?
o sadyang iba lang tong batang nakaharap ko?
abaaaa... sutil... paluin kita ng raketa ko eh.
from the mind of prancingpanda :: 07:03 PM :: September 23rd, 2004
hala...
papunta na akong dentista. kinakabahan ako.. hindi ko kase ginamit yung retainers ko for the first two months.. kaya ngayon, hindi na siya kasya sakin. nakatira ako sa antipolo at ang dentista ko'y nagbubunot ng ngipin sa españa. kaya, matagal ko pang mararamdaman ang kabang ito. dang. bakit ba kailangang magkaroon ng mga pangit na ngipin? to add variety sa mga tao? para certified na walang magkakaparehas ng pagmumukha? shet, such stupid questions.. i spent about 4 years of my life with steel attatched to my set of teeth. tas a year for the retainers. 4 + 1 = 7. `ina. labo. bat kase ang init?!
moral lesson for today: ang kumain ng maraming minatigas na asukal "kendi" at hindi pag tutbrash pagkatapos ay isang malaking kamalian. i am living proof.
from the mind of prancingpanda :: 12:06 PM :: September 25th, 2004
the shire.
may book fair kami sa school. tas bumili ako ng parang autograph book na maganda... tas sa umpisa, may mga questions tungkol muna sa akin.. kanina, sinagutan ko ung mga andun..
Hobbies: FRODO
hahahahaha!!
tas pinakita ko sa sister ko. trying to correct me, sabi niya..
Bobbins!
hahahahahahahahahaha!!
walang katapusang haha. tas sinabi ko sakanyang mali. sabi niya..
oo nga.. un ung last name niya...
whaa..? Frodo Bobbins?!
haha all over again.üü
from the mind of prancingpanda :: 05:49 PM :: September 27th, 2004
sharon cuneta.
♪high school life oh, my high school life, every memory kay ganda..♪
tama ba un? noranian kase ako eh. pwe.
haha! i let my classmate sign my autograph book kanina. and she wrote about how she's going to miss me since i am her greatest and super duper prettiest friend.(sana hindi mabasa ni giu to..ü)
dang.. college. im afraid of letting my friends go after graduation. actually, we're not letting go since one phone call away lang kami at nasa iisang vicinity lang naman kami nakatira, more or less. but then, the thought of not spending my breaks with them.. not being able to scream their name at the mere sight of them.. not having the same subjects and more or less the same complaints.. not not not... melts my heart. hindi to oa ah. dati nga, naglalakad kami ni faith, my liberal crazy preng, tas bigla na lang ako tumigil. she asked why then i said..
"wala.. natatakot lang ako.. baka mga ilang taon mula ngayon, magkita tayo sa labas tas sasabihin natin sa isa't isa, 'uhm.. tekaa... kilala kita eh....'"
dang. nakakalungkot pag ganun. pag ganun ang mangyari, ako mismo ang babatok sa sarili kong.... batok? basta. tsk, mahina pa naman ang memory ko.
note to self: make more meaningful memories from now on so that they won't be worth forgetting. i won't forget. i won't let myself.
from the mind of prancingpanda :: 05:54 PM :: September 28th, 2004
isang buong araw
buong araw, pinapaLSS (*last song sydrome- that's when you have this song stuck in your head.. endlessly playing..) ko ung mga classmates ko...
"CTG kita miss miss pakipot
CTG kita miss miss supladaaa
Type kita
Miss, miss maganda
sa palagay ko..
mahal na kitaha-haaaaa"
harhar!
buong araw akong gutom. pocha. anu bang meron?! magpapapurga na nga ako...
buong araw masakit ang ulo ko.. binati kase ng physics ang umaga ko at mula non, hindi na natanggal ang kabangagan sa utak ko. anu bang meron sa work at kinetic energy? ansarap murahin nung libro.. fart..
buong araw akong nakikinig sa mga lab storee ng iba. tungkol sa mga pagbebreak at sa nga magaanniversary. sa pagaanak at sa paggawa nito. what happened to a society full of clueless children op da corn?! huwwwwat hapeeeennneeeddd?! hahahahaha! laaabo.
buong araw ko ding pinlanong mag-aral at tumino sa loob ng klase sa pamamagitan ng hindi pagtulog. dang. napapapikit pa rin ako.... psychological na ata tong sleeping habit ko eh...
ayun. isang buong araw na naman na puno ng kagagahan, kalikutan at kababawan ng kaligayahan... bukas ulit!
86 ako sa algebra! tenks tenks.
from the mind of prancingpanda :: 07:10 PM :: September 30th, 2004